12 % na VAT, nakatakdang ipataw sa mga digital at electronic platforms

National News

Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means na patawan ng 12% na Value Added Tax o VAT ang ilan sa mga foreign and local companies na nag-ooffer ng serbisyo gamit ang digital at electronic platforms.

Kabilang sa mga tatamaan dito ay ang mga non-resident digital service provider gaya ng Netflix, Spotify, Lazada at iba pang foreign digital platforms sa bansa.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, pasok ang mga nabanggit sa 3-million-peso VAT threshold kaya nararapat itong patawan ng buwis.

Nilinaw naman ni Salceda na hindi ito bagong pagbubuwis subalit nilinaw lamang ng komite ang mga serbisyo na dapat patawan ng VAT.

Batay sa pag-aaral, 77% ng kita mula sa nasabing pagbubuwis ay mangagaling sa middle-income families at hindi ang mga naghihirap na pamilya.

Giit ni Salceda, 0.04% ng kita mula sa nasabing prorposal at mula sa 20% ng buong populasyon ng mga Pilipino.

Kumpiyansa naman si Salceda na magkakaroon ng magandang epekto ang panukalang isinusulong sa kaniyang komite.

Tiniyak din nito na may exemption ang mga maliit na negosyo sa pagbabayad ng VAT.

Ani Salceda, exempted sa pagbabayad ng VAT ang mga negosyo na may net income na hindi bababa sa tatlong milyong piso.

Hindi kasama ang mga sole proprietor na may mababa sa P250,000 ang net income.

Nilinaw din ni Salceda na hindi kasama sa panukala ang mga online seller sa facebook.