P7.7-B, inilaan ng DICT para sa libreng Wi-Fi

National News

Naglaan ng P7.7-B ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa paglalagay ng libreng Wi-Fi sa lahat ng mga pampublikong lugar at paaralan.

Ayon kay DICT Sec. Gregorio Honasan III, ang naturang pondo, na bahagi sa kanilang 2021 proposed budget nila ay gagamitin para makamit ang target ng ahensya na maglagay ng 23,100 free Wi-Fi area bago matapos ang 2021.

Karamihan anya na lalagyan ng mga libreng Wi-Fi ang mga pampublikong paaralan kabilang na ang mga SUC at mga TESDA institution.

Nasa 10,300 sites ang ilalagay sa mga public schools habang nasa 1,804 sites ang ipakakalat sa mga SUC at TESDA schools.

“We are aiming to provide every public school and SUC with free Internet connectivity and access to aid our students and teachers adapt to the new normal in the education sector. This is part of our commitment to DepEd, CHED and TESDA to ensure the education sector’s access to broadcast, connectivity and digital security this upcoming school year while the country is still under state of public health emergency,” saad pa ni Secretary Honasan.

Mayroon ding ilalagay na 5,644 wifi sa mga national at local government offices, 3,300 sites sa mga pampublikong ospital at rural health units, 1,505 sites sa mga public park, plaza at iba pang mga open areas, 368 sites sa mga public library, at 179 sites sa mga transport terminal.

As of 30 June 2020, mayroon nang 4,248 live sites ang na-install at operational na sa ilalim ng Free Wi-Fi for All Program.

Nasa mahigit 400 naman dito ang inilagay sa mga government hospitals at rural health units.