locally stranded

Grand send-off ng mga LSI nitong weekend, naging matagumpay

National News

Matagumpay ang isinagawang pag-send off sa mga Locally Stranded Individual (LSI) nitong weekend.

Ito ang inihayag naman ni Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary Joseph Encabo sa Laging Handa public briefing.

Mababatid na libu-libong LSIs ang napauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa ilalim ng hatid tulong program kung saan sinabi ni Encabo na magpapatuloy pa ang ang naturang programa para sa mga ito.

Inilahad ni Encabo na sa naturang grand send-off na isinagawa sa Rizal Park, Maynila , sa entrance pa lang, in-obserba na ang safety protocols tulad ng social distancing.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na bahagi naman ng kanilang pakikipag-ugnayan at kasunduan na ang mga Local Government Units (LGUs)  ay magkakaroon ng sariling medical protocol.

Idinagdag pa ni Encabo na upon registration, ie-endorso na ng pms sa Department of Health (DOH) ang mga LSI para dumaan sa rapid test at kapag ito ay naging positibo sa test na ginawa ng DOH, agad na ilalagay sa quarantine, at doon iko-conduct ang confirmatory test.

Binanggit naman ni Encabo na sa mga LSI na nag-positibo pagdating sa LGUs, nandoon na ang responsibilidad ng mga local chief executives at officials na kaagad silang i-quarantine.

Aminado naman ang opisyal na hindi talaga maiiwasan ang mga kaso na katulad nito dahil nasa estado ng pandemic ang lahat.