Muling nakapagtala ngayong Araw, July 3, ang mataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kaso ng COVID-19 sa bansa lagpas 40,000 na

COVID-19 UPDATES

Pumalo na sa 40,336 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong nagpositibo ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ng pinakamataas na bilang ng tinamaan ng sakit sa bansa sa loob lamang ng isang araw.

Batay sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Department of Health (DOH), as of 4PM , July 3, naitala ang 1,531 na panibagong kaso.

Naitala naman ngayong araw ang 688 na fresh cases habang 843 naman ang late cases.

Nadagdagan naman ng 400 bilang ng mga gumaling kaya’t tumaas pa sa 11,073 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa.

Nasa 1,280 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng 6 ngayong araw.

Maaalala na sinabi ni Presidential spokesperson Secretary Harry Roque na ang pagtaas ng  kaso ng COVID-19 sa ating bansa ay nagpapatunay na nag-i-improve na ang bansa pagdating sa laban nito sa COVID-19.