Nagpasalamat at ikinatuwa ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa petisyon na kumuwestyun sa Bayanihan Law at iba pang mga quarantine measures.

Pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon laban sa Bayanihan Law, ikinatuwa ng DOJ

National News

Nagpasalamat at ikinatuwa ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa petisyon na kumuwestyun sa Bayanihan Law at iba pang mga quarantine measures.

Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na nakita kasi ng mga Supreme Court Justices na hindi inabuso ng IATF o ng Inter Agency Task Force ang kanilang kapangyarihan sa pagpapatupad ng quarantine.

Kahapon ay ibinasura ng Supreme Court ang petisyon na inihain ni dating Law Dean Jaime Ibañez na tumutol at kumukuwestiyon sa Bayanihan Law at iba pang mga kautusang kaugnay sa implementsyon ng quarantine.

Nakasaad sa Supreme Court decision na nabigo ang petitioner na makapagpakita ng katibayan na nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan o grave abuse of discretion sa pagpapatupad ng mga respondents sa nasabing batas.

Kabilang sa mga respondents sina Health Secretry Francisco Duque III, Cabinet Secretary Karlo Nograles at ilang mga opisyal ng IATF.

Magugunitang April 29, 2020 nung nagpalabas ang IATF ng omnibus guidelines para sa pagpapatupad ng community quarantine kasabay ng pag-iral ng COVID-19 pandemic.