Umabot sa 21 Chinese  na overstaying o iligal ang pananatili dito sa ating bansa ang inilagay na sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI).

Mga Chinese na overstaying sa bansa, naka-blacklist na

National News

Umabot sa 21 Chinese  na overstaying o iligal ang pananatili dito sa ating bansa ang inilagay na sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi na sila papayagan na muling makabalik dito sa Pilipinas.

Ang naturang mga Chinese ay nakakakuha ng visa pagdating nila sa Pilipinas o iyong tinatawag na Visa Upon Arrival (VUA) na isang uri ng programa na inilunsad ng pamahalaan tatlong taon na ang nakalilipas para makaakit ng mas maraming turistang Chinese.

Nakasaad sa VUA na maaaring manatili dito ang mga Chinese sa loob ng 30 araw na hindi na kailangan ng entry visa mula sa konsulada ng Pilipinas.

Pero nitong nagdaang January ay sinuspinde ng Immigration ang VUA dahil sa COVID-19 pandemic na nagmula sa Wuhan, China.