Connect with us

11 suspek sa pagkidnap ng apat na Chinese Nationals, timbog ng PNP

Sa pangunguna ng Philippine National Police -Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ay ligtas na nasagip ng mga otoridad ang 4 na Chinese Nationals na kinidnap ng mga kapwa nitong Chinese.

National News

11 suspek sa pagkidnap ng apat na Chinese Nationals, timbog ng PNP

Sa pangunguna ng Philippine National Police -Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ay ligtas na nasagip ng mga otoridad ang 4 na Chinese Nationals na kinidnap ng mga kapwa nitong Chinese.

Isinapubliko naman ngayong araw ng PNP-AKG ang 11 indibidwal na suspek sa pag-kidnap.

Ang mga suspek ay nahuli mula sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Quezon City at Pampanga.

Lima dito ay pawang mga Chinese Nationals habang 6 naman ay mga Pilipino.

Sa nasabing operasyon, nailigtas ang biktimang si alyas Ming  na sasailalim sana sa swab test bago ito makaalis ng bansa patungo China.

Sa pakikipatulungan ng Federation of Filipino Chinese Chamber Commerce Incorporated kung saan nakipag-ugnayan si Ming  sa kaniyang sitwasyon, agad na nireport ng FFCCCI sa PNP-AKG  ang kalagayan ni Ming.

Dito na binunyag ng biktimang si alyas Ming  na may tatlong biktima pa ang nasa safehouse sa Brgy. Sta. Cruz, Mexico, Pampanga.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga otoridad sa safehouse at nailigtas sina alyas Zhang, Shi at Wu at naaresto ang walong iba na suspect.

Batay sa record ng PNP-AKG, ito na ang ikalawang beses na nakidnap si Ming at nakapagbigay na rin ito ng ₱100,000  bilang ransom.

Pangunahing modus ng mga Chinese kidnappers, papangakuan ng magandang trabaho, sahod at benepisyo ang kapwa Chinese, pero kalauna’y hindi din ibibigay ang mga ito  hangganng sa mapilitan na umalis sa kumpanyang pinagtatrabahuhan pero hindi rin ito  papayagan bagkus gigipitin hanggang sa makakuha ng malaking halaga mula sa mga kaanak nito sa China kapalit ng kanilang kalayaan.

Sa pagharap ng mga suspek kasama na ang ilang mga kidnap victims, ipinakita din ng ilang biktima ang mga tinamong pasa sa katawan bilang tanda ng physical abuse na ginagawa sa kanila habang nakakulong sa safehouse ng mga kidnappers.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP-AKG ang mga suspek, habang pursigido  naman ang mga abogado ng mga biktima kaugnay sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

Patuloy  naman ang pagbabantay ng mga otoridad sa iba pang kahalintulad na insidente.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top