Connect with us

11 respondent sa Dacera case, mahaharap sa kasong kriminal–NBI

Ibabalik ng DOJ sa Makati City Prosecutor's Office ang reklamong inihain ng NBI laban sa 11 indibidwal na nasasangkot sa pagkamatay ng flight atttendant na si Christine Dacera.

National News

11 respondent sa Dacera case, mahaharap sa kasong kriminal–NBI

Ibabalik ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Prosecutor’s Office ang reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 11 indibidwal na nasasangkot sa pagkamatay ng flight atttendant na si Christine Dacera.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ay para makapagsagawa ng preliminary investigation ang prosecutor’s office sa kaso.

At maresolba na rin ang kasong rape with homicide na kasama sa reklamong inihain ng NBI sa DOJ.

Kabilang sa mga respondent na inirereklamo sina Mark Anthony Rosales, Rommel Galido, John Pasua Dela Serna III, Darwin Joseph Macalla, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymar Englis at Louie de Lima.

Kasama rin sa reklamo ang kanilang abogado na si Neptali Maroto.

Ang mga reklamong inihain laban sa mga respondent ay reckless impridence resulting in homicide dahil sa pagpapabaya kay Dacera, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagdadala at pamimigay ng droga, at perjury.

Inireklamo naman ng pamemeke ng dokumento si Southern Police District Medico-Legal Officer Michael Nick Sarmiento na nag-utos na i-embalsamo ang labi ni Dacera nang hindi hindi ipinaalam sa pamilya nito.

More in National News

Latest News

To Top