Connect with us

11 miyembro ng komunistang grupo, sumuko sa Bicol

Nagbabalik-loob na sa gobyerno ang ilang mga miyembro ng komunistang grupo sa Bicol dahil sa hindi makatarungang pagtrato ng grupo sa kanila.

National News

11 miyembro ng komunistang grupo, sumuko sa Bicol

Nagbabalik-loob na sa gobyerno ang ilang mga miyembro ng komunistang grupo sa Bicol dahil sa hindi makatarungang pagtrato ng grupo sa kanila.

11 sa mga miyembro ng komunistang grupo ang sumuko sa 902nd Infantry Brigade at kabilang sa kanilang isinuko ay ang 2 grand riffles, isang bandolier at iba’t ibang pampasabog.

Kaugnay nito, pinasasalamatan ni Col. Jaime Abawag Jr. Brigade Commander ng 902nd brigade, ang kontribusyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga mamayan dahil sa magandang balitang ito.

“They are the first batch of surrenderees for the month of March and we expect more to follow in the coming days. We attribute this another accomplishment to the joint effort of our partners in other government agencies and of course, the local populace,” sabi ni Col. Abawag.

Ang mga bagong sumuko na ito ay sasailalim sa validation at mag-eenroll sa enhanced comprehensive local integration program ng gobyerno.

Pinapasalamatan naman ni MGen. Henry A. Robinson Jr. PA, commander ng Joint Task Force Bicolandia ang mga dating rebelde na ito dahil sa pagtugon sa panawagan ng gobyerno na iwan na ang walang patutunguhang misyon.

Ngayong taong 2021, maraming mga bagong batch ng mga komunistang grupo ang unti-unti nang sumusuko sa iba’t ibang unit ng 9th infantry division kada buwan.

Noong nakaraang buwan, maaalala na 22 mga miyembro ng komunistang grupo ang sumuko sa Sorsogon at Masbate at kabilang nilang isinuko ang 21 powered fireamrs, isang low powered firearm.

Habanag 6 naman ang sumuko naman sa Camarines Sur noong Pebrero kasama ang 5 mga baril.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top