Connect with us

1,000 pamilya sa Antique, nakatanggap ng libreng pabahay mula sa gobyerno – Cabsec Nograles

Nasa kabuuang 1,000 permanent housing units ang nai-turnover sa family-beneficiaries sa Pandan, Antique nitong Oktubre 12.

Regional

Ito, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamamagitan na rin ng pakikipag-koordinasyon sa National Housing Authority at local government officials.

Ani Nograles, bahagi rin ito ng housing commitment ng task force Yolanda na kanyang pinamununuan.

Ang 55th virtual turnover ng housing units ay ginanap sa Sta. Cruz site 1 (500 units) at Guia homes (500 units) sa ilalim ng Yolanda permanent housing project ng NHA Region 6.

Bukod dito, pinasalamatan din ng palace official ang partner agencies at ang LGU sa kanilang walang sawang suporta doon sa naunang pagpapatayo ng 46,348 housing units sa Western Visayas.

More in Regional

Latest News

To Top