Connect with us

100 top Muslim leaders sa NCR, nakipagsanib pwersa sa PNP

Nakipag-alyansa sa Philippine National Police (PNP) ang nasa 100 top  leaders ng Muslim Community sa National Capital Region.

National News

100 top Muslim leaders sa NCR, nakipagsanib pwersa sa PNP

Nakipag-alyansa sa Philippine National Police (PNP) ang nasa 100 top  leaders ng Muslim Community sa National Capital Region.

Kaugnay ito sa kampanya ng pamahalaan hinggil sa problema ng insurhensiya, iligal na droga at mga kaguluhan sa bansa.

Sa pakikipanayam ng SMNI News sa ilang pinuno ng iba’t ibang grupo ng mga Muslim sa NCR, halos iisa lang ang sigaw ng kanilang komunidad, ang kapayapaan at pagmamahalan.

No description available.

Ani Omar Shariff Pumbaya, ang Administrator ng Manila Golden Mosque and Cultural Center, Office of the President, Nat’l Commission of Muslim Filipinos, hindi ito para sa kanilang kapwa Muslim kundi maging sa iba pang lahing Pilipino.

Tunay na pagbabagao aniya ang hangad nila sa bansang Pilipinas at pagkakaisa sa bansa.

” Ito ay tanda po ng ating pagmamahal at pagkakaisa po sa ating lahat, Muslim man o Christian na nandito tayo para ipakita po sa ating sambayanang Pilipino na ang mga Muslim at mga Christian ay nagkakaisa po para sa tunay na pagkakaisa for the real change, change of the Filipino people,” ani Omar Shariff Pumbaya.

No description available.

Dagdag pa nila, mahalaga ang ugnayan ng mga otoridad sa kanilang pamumuhay upang maisakatuparan din ng mga ito ang maayos at kapayapaan na pakikipag-isa sa pamahalaan.

Malaki naman ang pasasalamat kay Pangulong Duterte si Aleyah Bidua, ang punong barangay sa BRGY 670, Zone 72, Manila.

Aniya, simula nang manungkulan ito sa bansa, malaki ang ipinagbago ng mga komunidad lalo na sa kampanya nito sa naglalakihang problema sa bansa gaya ng droga, korupsiyon, terorismo o insurhensiya.

Bilang isang ina, aniya, natatakot siya na maging biktima  ng karahasan ang kanyang nag-iisang anak, pero dahil sa Duterte Administration, nabawasan aniya ang kanyang pangamba.

No description available.

Ang nasabing mga pinuno ng Muslim Community ay  naglaan ng kanilang lagda para sa isang peace covenant.

Opisyal ding manunumpa ang mga ito bilang force multipliers ng PNP.

No description available.

More in National News

Latest News

To Top