Connect with us

100% power restoration sa Southern Leyte, Marso pa; Binondo-Intramuros bridge, madadaanan na sa Holy Week

100% power restoration sa Southern Leyte, Marso pa; Binondo-Intramuros bridge, madadaanan na sa Holy Week

National News

100% power restoration sa Southern Leyte, Marso pa; Binondo-Intramuros bridge, madadaanan na sa Holy Week

Posibleng Marso pa maibabalik ang lahat ng kuryente sa Southern Leyte matapos sinalanta ng bagyong Odette.

Ito ang ibinahagi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Roger Mercado sa panayam ng Sonshine Radio.

“We know that there are areas na ang power is 10% pa, ‘yung water-50%, ‘yung communication-30% doon sa may Siargao at Dinagat. Dito sa Southern Leyte, siguro mga March pa ma-100% ang power to be restored. Nagsisikap po ang ating Department of Energy at ang ating Pangulo mismo ang monitoring sa ginagawagang Build back better”.

Ibinahagi naman ni Mercado na madadaanan na ang 47 mga daanan at tulay na nasira rin ng bagyo.

Tiniyak din ni Mercado na patuloy silang tumutulong sa mga lugar na apektado upang mapabilis ang kanilang pagrekober.

Samantala, maaari nang magamit ang P3.39-B Binondo-Intramuros bridge sa Holy Week.

“Malapit na pong matapos ito, 90%, almost completed na itong, Binondo-Intramuros Bridge. Ito’y mabubuksan sa Holy Week. This will serve around 30,000 vehicles daily. Meron siyang provision for pedestrian lane, bike lane at very safe sa ating mga mamamayan. And, it will ease or decongest the traffic in the Binondo area and Intramuros area.”

Ito na aniya ang isa sa malaking proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Build Build Build program nito.

More in National News

Latest News

To Top