Connect with us

100 kababaihan mula sa grupong Gabriela, nagbalik-loob sa gobyerno

Ngayong International Women’s Day, ibinalita ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson USec. Lorraine Badoy na aabot sa 100 mga kababaihan mula sa grupong Gabriela ang nagbalik-loob na sa gobyerno.

National News

Ang mga kababaihang ito ay mula sa Bagac, Bataan.

Ito ang masayang ibinalita ni NTF-ELCAC USec. Badoy sa panayam ng Sonshine radio.

“100 na members ng Gabriela Bagac, dito sa Bataan ay nag disaffiliate na; nabuwag na ang Gabriela dito.”

Ani Badoy, napakaimportante nitong pagsuko ng mga miyembro ng Gabriela sapagkat naniniwala siya na huwad na womens group ang Gabriela.

Bukod pa rito, ani Badoy, ang Gabriela ay isang worst offender ng karapatan ng mga kababaihan.

Kabilang na rito ang hindi pagtatanggol ng Gabriela sa mga kababaihan na nagagahasa sa pagsali ng mga ito sa mga rebeldeng grupo.

Inihayag din ni Badoy na marami sa mga kababaihan ang namatay sa pagsali nila sa gabriela na kalaunan ay naging New People’s Army.

More in National News

Latest News

To Top