Connect with us

100 % enrollment sa pampublikong paaralan, naabot na ng DepEd

100 % enrollment sa public schools, naabot na ng DepEd

National News

100 % enrollment sa pampublikong paaralan, naabot na ng DepEd

Naabot na ng Department of Educaton (DepEd) ang 100 % enrollment sa pampublikong paaralan matapos bahagyang malagpasan ngayong taon ang bilang ng mga registered learner mula noong nakaraang taon.

Sa datos ng DepEd, 22,587,496 milyong mag-aaral na ang naka-enroll sa public schools, mas mataas kumpara sa 22,572,923 noong nakaraang taon.

Gayunman, sa nasabing bilang, nasa 400,000 ay transferees mula sa mga pribadong paaralan.

Samantala, mahigit 2.17 milyong estudyante naman ang naka-enroll sa private school hanggang ngayong Huwebes.

50.54 % ito ng 4.3 million private school students noong nakaraang taon.

Una nang sinabi ng DepEd na tatanggap pa sila ng late enrolees hanggang sa Nobyembre 21.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top