Napatay ang 1 pulis matapos tambangan ng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Isidro, Jovellar, Albay.

Pananambang ng NPA sa Barangay San Isidro, Albay, 1 pulis patay

Regional

Napatay ang 1 pulis matapos tambangan ng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Isidro, Jovellar, Albay.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Philippine National Police (PNP) doon upang matukoy ang mga makakaliwang grupo na nakapatay sa pulis.

Kinilala ng Police Regional Office 5 ang nasawing pulis na si Patrolman Emerson Belmonte, miyembro ng 1st Albay Provincial Mobile Force Company.

Habang nasugatan sina Police Corporal Marlon Beltran, Patrolman Roy Resurrection at Patrolman John Mark Paz.

Nabatid na nagsasagawa ang mga pulis ng internal security operation sa lugar nang tambangan ng mga rebelde.

Agad naman gumanti ang mga pulis kung saan tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa sa pamilya ng nasawing 1 pulis at tiniyak ang tulong na ibibigay sa mga ito.