Connect with us

1 dayuhan nagbigti sa Pasay City, suicide note natagpuan

1 dayuhan nagbigti sa Pasay City, suicide note natagpuan

Metro News

1 dayuhan nagbigti sa Pasay City, suicide note natagpuan

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakilanlan ng 1 dayuhan na nagbigti sa isang puno sa harapan ng Cuneta Astrodome, Roxas Blvd sa Pasay City.

Ayon sa Pasay City police, casino player umano ang nasabing dayuhan na nalulong sa sugal na posible umanong dahilan ng pagpakamatay nito.

Intact din umano ang mga daladalang gamit at suot na relo ng biktima.

Isang suicide note ang natagpuan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa mga gamit ng dayuhan.

Matagal na umanong nakikitang tumatambay ang dayuhan sa Pasay Sports Complex kung saan ilang araw na matamlay ang ikinikilos nito.

Batay sa ilang pahayag ng nakasamang mga tambay sa lugar, isang Koreano umano ang nasabing dayuhan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa nangyaring pagbigti ng biktima.

More in Metro News

To Top