Connect with us

₱620-M hanggang ₱15-B halaga ng infra projects ng mga kongresista, ibinunyag sa Senado

Ibinunyag ni Sen. Panfilo Ping Lacson na nasa ₱620 milyong hanggang ₱15 bilyon ang nakalaan sa bawat infra projects ng congressional district.

National News

Ito aniya ay batay sa bersyong ng spending bill ng Kamara.

Ayon kay Lacson, ang 68 B na naka-remark o inilaan aniya sa mga ‘skeleton projects’ na gusto niyang ma-realign ay walang wala sa halaga ng pondong nakalaan sa mga infra ng mga kongresista

Ibinuyag din ni Lacson na ang 739 line item naman para sa mga multipurpose ay may tig-iisang milyong pisong budget.

Ayaw naman ng pangalanan ng mambabatas ang mga kongresista na nakatanggap ng malaking pondo mula sa DPWH budget.

Hindi rin naman aniya gusto ni Lacson na mailagay ang sisi sa DPWH patungkol sa issue dahil ang mga mismong congressmen aniya ang naglilista ng kanilang mga infra project.

Ayon kay Lacson, gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naniniwala itong hindi kurap si DPWH Sec. Mark Villar.

Ang 659 billion budget ng DPWH ay nasa plenaryo na pero maaring ito ay ma-ammend bago ang pangalawang pagbasa at sa bicameral conference meeting.

More in National News

Latest News

To Top