Connect with us

₱6.8M halaga ng droga, nasamsam sa big-time drug personality sa Lanao del Sur

Nasakote ang isang big-time drug personality sa buy-bust operation sa Pualas, Lanao del Sur.

Regional

₱6.8M halaga ng droga, nasamsam sa big-time drug personality sa Lanao del Sur

Nasakote ang isang big-time drug personality sa buy-bust operation sa Pualas, Lanao del Sur.

Kinilala ni AFP Western Mindanao Command chief Lieutenant General Corleto Vinluan ang suspek na si Romie Diamillah Hadji Alawi, alyas Ali.

Ayon kay 55th Infantry Battalion commander Lieutenant Colonel Franco Raphael Alano, nakuha sa suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyong piso.

Maliban sa iligal na droga, nasamsa rin ang isang sasakyan, isang cal. 32 pistol, buy-bust money, IDs at iba pa.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek para sampahan ng kaukulang reklamo.

More in Regional

Latest News

To Top